dzme1530.ph

Panukalang joint exercises ng Pilipinas at China, malabo nang maisakatuparan, ayon sa AFP Chief

Posibleng hindi na matuloy ang alok ng China sa Pilipinas na Joint Military Exercises, lalo na sa mga nangyaring tensyon kamakailan sa West Philippine Sea, ayon kay AFP Chief of Staff Romeo Brawner Jr.

Tahasang sinabi ng heneral na, sa ginagawa ngayon ng China, ay talagang malabo nang mangyari ang panukalang military exercises sa pagitan ng dalawang bansa.

Matatandaan na noong Hulyo nang ianunsyo ni Brawner na nag-alok ang Beijing ng joint exercises sa Pilipinas.

Gayunman, inihayag ng National Task Force on the West Philippine Sea na walang visiting forces agreement sa pagitan ng dalawang bansa na maaring sumaklaw sa naturang plano.

Tiniyak naman ni Brawner na tuloy ang military drills sa ibang bansa na itinuturing na mga kaalyado ng Pilipinas, gaya ng Amerika, Japan, at Canada.

About The Author