dzme1530.ph

Panukalang batas na magbaba sa 3-taon termino ng CBA Reps, aprubado na sa final reading sa Kamara

Aprubado na sa 3rd and final reading sa Kamara ang House Bill No. 9320, kung saan ibinababa sa 3-taon ang termino ng collective bargaining agreement (CBA) representatives mula sa kasalukuyang 5-taon.

Sa botong 210- affirmative, zero negative at no abstain, pinagtibay nito ang pag-amyenda sa Article 265 ng Presidential Decree No. 42 o ang Philippine Labor Code na nagtatakda sa 5-year term ng CBA representative.

Pinasalamatan ni Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles bilang Chairman ng Committee on Labor and Employment at sponsor ng panukala, ang mga kasamahang kongresista sa suportang ibinigay.

Paliwanag ni Nograles, sa pagpapaikli ng termino ng CBA representation, pagkakataon ito sa mga empleyado at representante na itaguyod lalo ang kanilang karapatan na pumasok sa isang negosasyon na kaakibat sa kanilang trabaho at benepisyo.

Malinaw din sa inaprubahang panukala na ang lahat ng probisyon sa kasalukuyang CBA ay mananatiling “in full force and effects” subalit makaraan ang tatlong taon ay magkakaroon na ng renegotiation. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News

About The Author