Inisponsoran na ni Senate Committee on Basic Education chairman Sherwin Gatchalian sa plenaryo ng Senado ang panukala para sa promosyon ng mental health and well-being sa mga estudyante.
Sa ilalim ng Senate Bill 2200, imamandato na ang pagkakaroon ng school-based mental health program.
Sa kanyang speech, sinabi ni Gatchalian na labis na nakababahala ang datos na mahigit 400 estudyante ang nag-suicide sa loob ng isang school year kasabay ng pahayag na one life lost is one too many.
Nakasaad sa panukala na itataas ang lebeol ng awareness at kaalaman ng kabataan mental health issues at magkaroon sila ng access sa mental health specialists at associates.
Suportado naman ni Senate Majority Leader Joel Villanueva ang panukala at umaasang mawawala na ang stigma at discrimination sa mental health.
Sinabi pa ni Villanueva na sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga programa para sa mental health, mararamdaman ng kabataan na may sapat siyang support system para pangalagaan ang kanilang mental, emotional, at overall health and well-being. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News