Sa unang araw ng sesyon matapos ang mahigit 2-buwan bakasyon, agad pinagtibay ng Kamara sa 3rd and final reading ang House Bill 7751, panukala para magtayo ng Specialty Center sa bawat hospital na pinatatakbo ng DOH.
Sa 256 Affirmative vote, pinagtibay ang HB 7751, isang priority measure kung saan obligado ang DOH na maglagay ng center sa 17 specialties tulad ng Cancer, Brain & Spine, Renal Care, Kidney Transplant, Trauma, Infectious Disease, Tropical Medicine, Mental at Geriatric Care.
Ang specialty center ay ilalagay sa level-3, Apex o End-Referal Hospital gaya ng Phil Heart Center, NKTI, Lung Center of the Philippines at Philippine Children’s Med. Center.
Ipinauubaya naman sa Phil. Cancer Center ang pagbuo ng polisiya sa operasyon ng specialty center kasama ang training at technical assistance para masiguro ang dekalidad na serbisyo.
Samantala, sa pagbabalik ng sesyon inirekumenda ng Sub-committee on Rules ni Cong. Sandro Marcos ng Ilocos Norte, ang pagpapatuloy ng “hybrid sessions” gayung lifted na ng WHO ang Health Emergency declaration. —ulat mula kay Ed Sarto, DZME News