dzme1530.ph

PANUKALA PARA BIGYAN NG EMERGENCY POWERS ANG PANGULO UPANG SUSPINDIHIN ANG EXCISE TAX SA PETROLYO, SESERTIPIKAHANG URGENT BILL

Loading

Kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sersertipikahan niya bilang urgent bill ang panukala na magbibigay sa kanya ng emergency power upang suspindihin o bawasan ang excise tax sa produktong petrolyo.
 
Sinabi ni Marcos na ilalabas niya ang certification sa sandaling matapos na ng dalawang kapulungan ang committee report.
 
Ipinaliwanag ng Pangulo na hindi pa naman magagamit ang sertipikasyon hangga’t hindi natatapos ang pagdinig sa kumite.
 
Nitong Martes, inaprubahan na ng House Committee on Ways and Means ang panukala na nagsasaad na maaaring ipatupad ang suspensyon ng excise tax kapag umabot na sa 80 dollars per barrel ang Dubai crude oil price sa loob ng isang buwan.
 
Samantala, ngayong hapon ay sisimulan ng Senate Committee on Ways and Means at Energy ang pagdinig sa limang panukala para sa emergency power.

About The Author