Ipinag-utos ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpapahinto sa paniningil ng bayad ng mga lokal na pamahalaan sa mga sasakyang dumadaan sa national roads upang maghatid ng mga produkto.
Sa Executive Order No. 41 na may lagda ni Executive Sec. Lucas Bersamin, pinagbabawalan na ang lahat ng LGU na mangolekta ng pass-through fees sa lahat ng motor vehicles na may kargang mga produkto o merchandise, sa kanilang pagdaan sa anumang national road o kalsada na hindi naman sila ang nagpagawa at nag-pondo.
Saklaw nito ang sticker fees, discharging fees, delivery fees, market fees, toll fees, entry fees, at mayor’s permit fees.
Iginiit ng pangulo na ang hindi awtorisadong pagpapatawa ng pass-through fees ay may malaking impact sa transportation at logistics costs, na kalimitang naipapasa sa mga consumer sa harap ng sumisipang presyo ng mga bilihin.
Sinabi pa sa executive order na sa ilalim ng 8-point socioeconomic agenda, bahagi ng polisiya ng administrasyon ang paggamit sa lahat ng paraan para mapababa ang gastos sa food logistics, tungo sa pagpapahupa ng inflation rate.—ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News