dzme1530.ph

Paniningil ng buwis sa social media influencers, nananatiling hamon sa BIR

Aminado ang Bureau of Internal Revenue (BIR) na nahihirapan silang pasunurin ang mga social media influencer sa mga batas na may kaugnayan sa pagbubuwis, sa gitna ng lumalawak na pagtangkilik sa iba’t ibang social media platforms para kumita.

Sinabi ni BIR Assistant Commissioner Jethro Sabariaga na nagpapatuloy ang kanilang dayalogo sa social media influencers para magbayad ang mga ito ng tax obligations sa pamahalaan.

Inamin din ni Sabariaga na mahirap para sa BIR na mangolekta ng revenues mula sa digital space.

Naniniwala ang opisyal na mas mainam na kumbinsihin ang mga social media influencer na boluntaryong tumalima sa batas, kaysa makipag-away sa kanila. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author