dzme1530.ph

Panibagong tigil pasada na tatagal ng dalawang linggo, ikinasa ng grupong MANIBELA simula ngayong Lunes

Umarangkada muli ngayong Lunes ang panibagong tigil-pasada na tatagal ng dalawang linggo o hanggang Dec. 29.

Ito’y para tutulan ang Dec. 31 deadline na itinakda ng pamahalaan sa pagbuo ng kooperatiba ng mga jeepney operator bilang bahagi ng PUV Modernization Program.

Sinabi ni Manibela President Mar Valbuena, alas-8 ngayong umaga ay magtitipon-tipon ang mga diver at operator sa monumento circle sa Caloocan City, pati na sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Idinagdag ni Valbuena na mayroong ding mga miyembro ng ibang transport groups na sasama sa kanilang tigil-pasada.

Noong nakaraang linggo ay ang grupong PISTON ang nagkasa ng transport strike laban sa PUV Modernization Program ng pamahalaan.—sa panulat ni Lea Soriano

About The Author