dzme1530.ph

Panibagong taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo, asahan

Aarangkada naman ang taas-singil sa presyo ng produktong petrolyo bukas, April 16.

Batay sa pagtaya ng ilang oil industry players, posibleng maglaro sa P0.80 hanggang P1.00 ang taas-presyo sa kada litro ng diesel.

Habang posible namang madagdagan ng P0.20 hanggang P0.40 ang presyo ng kada litro ng gasolina.

Ang nagbabadyang oil price hike ay batay sa resulta ng 4-day oil trading sa regional market.

About The Author