dzme1530.ph

Panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo, naka-amba sa susunod na linggo

Abiso sa mga motorista!

Naka-amba nanaman sa susunod na linggo ang panibagong taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

Batay sa oil trading sa nakalipas na araw, sinabi ni Dept. of Energy – Oil Industry Management Bureau Assistant Dir. Rodela Romero na posibleng umabot sa P1.50 hanggang P1.70 ang dagdag-presyo sa kada litro ng diesel.

P1.05 hanggang P1.15 naman ang maaaring itaas ng presyo sa bawat litro ng kerosene.

Habang P0.75 hanggang P0.95 kada litro ang tinatayang price increase sa gasolina.

Samantala, ini-uugnay ni Romero ang uptrend sa presyo ng mga produktong petrolyo sa pagkasira ng oil facilites sa Russia, dahil sa nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng naturang bansa at ng Ukraine. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author