Itinuturing ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na iresponsable ang ginawa ng Chinese Coast Guard (CCG) laban sa mga barko ng Pilipinas sa pinakahuling resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Sa press conference, kinumpirma ni Teodoro na muli na namang nakaranas ng harassment ang Philippine Coast Guard vessels sa West Philippine Sea.
Bagaman hindi gumamit ng water cannon ang CCG sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas, sinabi ng kalihim na nagsagawa naman ang China ng mas mapanganib na pagmaniobra noong Biyernes.
Binigyang diin ni Teodoro na ang ginawa ng chinese vessels ay paglabag sa Maritime Safety. —sa panulat ni Lea Soriano