dzme1530.ph

Panibagong oil price hike, umarangkada na ngayong araw!

Epektibo na ngayong araw ang malakihang dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo.

Alas 12:01 ng madaling araw unang ipinatupad ng Caltex ang price adjustment kung saan magkakaroon ng P2.60 na dagdag presyo sa kada litro ng gasolina, P1.70 sa Diesel at P1.90 sa Kerosene.

Ganitong galaw din sa presyo ng tatlong oil products ang inilarga ng Flying V, Pilipinas Shell, Petron at Sea Oil kaninang alas-6 ng umaga.

Samantala, epektibo lang sa gasolina at diesel ang ginawang adjustment ng PTT Philippines, Unioil, Jetti Petroleum at Petrogas.

Habang alas-4:01 pa ng hapon ipatutupad ng kumpaniyang Cleanfuel ang kanilang oil price hike sa presyo ng gasolina at diesel.

About The Author