dzme1530.ph

Panibagong oil price hike, nakaamba bukas!

Magpapatupad ang mga kumpanya ng langis ng panibagong dagdag-presyo sa kanilang mga produktong petrolyo bukas, Aug. 22.

Batay sa anunsiyo ng oil industry sources, posibleng P0.10 hanggang P0.20 per liter ang taas-presyo ng diesel habang nasa P0.80 hanggang P1.00 naman ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.

Inaasahan ding tataas sa P0.50 hanggang P0.70 per liter ang patong sa presyo ng kerosene o gaas.

Kung magiging epektibo ang taas-singil, ito na ang ika-7 sunod na linggo na nagpatupad ng oil price hike sa diesel at ika-6 na linggo naman sa gasolina.

About The Author