Muling magtataas ng presyo ng mga produktong petrolyo ang mga kumpaniya ng langis bukas, August 15.
Batay sa oil industry sources, posibleng hanggang P1.50 per liter ang taas-presyo ng diesel habang nasa P1.60 hanggang P1.90 naman ang dagdag-presyo sa kada litro ng gasolina.
Inaasahan namang tataas sa P2.20 hanggang P2.50 per liter ang patong sa presyo ng kerosene o gaas.
Una nang sinabi ng Dep’t of Energy na posibleng magtuloy-tuloy pa ang oil price hike sa bansa bunsod ng pagpapalawig ng production cut ng Saudi Arabia.
Ito na ang pang-anim na sunud-sunod na oil price hike sa bansa na may kabuuan o total net increase na P11.50 sa kada litro ng gasolina at P7.10 naman sa diesel.