dzme1530.ph

Panibagong LPA sa Silangan ng Aparri, Cagayan, binabantayan ng PAGASA

Posible pa ring maranasan ang malakas na pag-uulan sa malaking bahagi ng Visayas, Mindanao kabilang ang MIMAROPA, Bicol Region at Lalawigan ng Quezon dahil pa rin sa Southwest Monsoon o Hanging Habagat.

Ayon kay PAGASA weather specialist Obet Badrina, patuloy din nilang binabantayan ang isang panibagong low pressure area (LPA) na huling namataan sa layong 570 kilometro sa Silangan ng Aparri, Cagayan.

Dahil dito ayon kay Badrina, asahan na magpapaulan ang trough o extension ng LPA sa Cordillera at Cagayan Valley Region.

Malaki aniya ang tiyansa na maging isang bagyo ang LPA sa mga susunod na araw na tatawaging ‘Bagyong Goring’.

About The Author