dzme1530.ph

Panibagong bawas-presyo sa petrolyo, asahan na sa susunod na linggo

Asahan ang malakihang pagtapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Director III Rodela Romero, nasa P0.50 centavos hanggang P0.85 centavos ang bawas-presyo sa kada litro ng diesel.

May P2.00 hanggang P2.25 na tapyas-presyo naman sa kada litro ng gasolina.

Habang nobenta sentimos hanggang piso naman ang posibleng rollback sa presyo ng kada litro ng kerosene.

Ayon kay Romero, ang oil price adjustments ay bunsod ng pagbaba ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Sa tala ng DOE, as of May 7, ang net increase ng year to date adjustment sa gasolina ay P9.25 centavos per liter, P4.70 centavos naman sa kada litro ng diesel; habang may P0.85 centavos per liter naman na net decrease sa kerosene.

About The Author