dzme1530.ph

Pangulong Marcos, hiniling sa mga artista na patuloy na itaas ang standard ng Pelikulang Pilipino

Hinimok ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga artista na ipagpatuloy ang kanilang pagsisikap na maitaas ang standard ng mga Pelikulang Pilipino, para rin sa kapakanan ng kanilang mga kasamahan sa hanap-buhay.

Ginawa ni Pangulong Marcos ang pahayag sa oath-taking ng mga bagong opisyal ng katipunan ng mga artistang Pilipino sa pelikula at telebisyon, sa isang maikling seremonya na idinaos sa Malakanyang.

Hiniling ng Pangulo sa Filipino artists na samantalahin at gamitin ang mga bagong pamamaraan, teknolohiya, at platforms upang maipakita ang husay at talento ng mga pinoy sa buong mundo.

Tiniyak din ng punong ehekutibo ang suporta ng pamahalaan sa local creative industry na lubhang naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Kabilang sa mga artistang dumalo sa event ay sina dating Laguna Governor E.R. Ejercito, Imelda Papin, Rez Cortez at Jeffrey Santos. —sa panulat ni Lea Soriano  

About The Author