Nag-resign si Vietnamese President Nguyen Xuan Phuc, ilang araw matapos kumalat ang impormasyon na sisibakin ito bilang bahagi ng major anti-corruption drive.
Ayon sa Vietnam News Agency, naghain ng kanyang resignation si Phuc makaraang mapatunayan ng Communist Party na responsable ito sa mga paglabag at pagsasamantala ng Senior Ministers na nasa ilalim ng kanyang panunungkulan bilang Prime Minister noong 2016 hanggang 2021.
Ngayong Enero ay dalawang Deputy Prime Ministers ang sinibak bilang bahagi ng paglaban sa katiwalian na nagresulta sa pagkakaaresto ng maraming opisyal, at karamihan ay sangkot sa mga deal na may kaugnayan sa COVID-19 Pandemic Response.
Binakante ng 68 anyos na si Phuc ang posisyon na inokupa nito sa loob ng halos dalawang taon.
Hindi pa rin malinaw kung sino ang papalit sa nagbitiw na Pangulo ng Vietnam.