dzme1530.ph

Pangarap ni Kim Chiu na masampal ni Maricel Soriano, natupad, Chinita Princess, natigalgal sa lakas

Natigalgal sa sampal ang aktres na si Kim Chiu sa isa nitong eksena sa teleserye kasama ang diamond star na si Maricel Soriano.

Kuwento ng aktres, bago pa man magsimula ang kanilang sampalan scene ay inabutan na ito ng gamot sa pamamaga ng diamond star.

Paliwanag ni Maricel, hindi niya kayang peke-in ang eksena gayung ginagampanan niya ang karakter ng isang inang galit matapos linlangin ng isang babae ang kaniyang dalawang anak.

Inihalimbawa ni Kim sa hampas ng baseball ang lakas ng natamo nitong sampal mula sa beteranang aktres.

Ibinahagi din ni Kim na hindi lang sa sampal ito nawindang o natigalgal kundi dahil natupad na aniya ang pangarap nitong masampal ng nag-iisang Maricel Soriano.

About The Author