dzme1530.ph

Pangalan ng pamilya Marcos, winawasak sa isyu ng People’s Initiative

Iginiit ni Sen. Imee Marcos na winawasak ng mga isyu ng Peoples’ Initiative ang pangalan ng kanilang pamilya kaya’t siya mismo ang kumikilos laban dito.

Sinabi ni Marcos na hindi niya papayagang masira ang ibinigay na pangalawang pagkakataon sa kanila upang maging malinis ang kanilang pangalan.

Binigyang-diin ng senador na napakaswerte ng kanilang pamilya  dahil nabigyan ng tsansa na makaupo uli sa Malakanyang  sa pamamagitan ng kanyang kapatid na si Pangulong  Bongbong Marcos Jr.

Subalit sinisira anya ito ng mga taong nagsusulong ng P.I para sa Cha-cha.

Ang pahayag ay tugon ng senadora sa tanong kung bakit malalim ang galit niya sa pinsang si House Speaker Martin Romualdez.

Iginiit ng senadora na sa tindi ng hirap na kanilang  pinagdaanan ay hulog na ng langit ang ikalawang pagkakataon  na makabalik sa Malacañang.

Kaya naman nilalabanan at inaalmahan nya ang isinusulong na people’s initiative na malinaw na may kumpas at suportado ng liderato ng kamara. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author