Walang anumang ipinangako ang Pilipinas na aalisin ang BRP Sierra Madre mula sa Ayungin Shoal.
Ito, ayon sa National Security Council, kasunod ng muling panawagan ng China na tanggalin ang sumadsad na barko.
Sinabi ni NSC Spokesperson Jonathan Malaya na posibleng bunga lang ng imahinasyon ng China ang pinaniniwalaan nilang commitment umano ng Pilipinas.
Binigyang diin ni Malaya na hindi kailanman papayag ang Pilipinas na abandonahin ang sovereign rights at jurisdiction nito sa Ayungin Shoal.
Noong 1999 ay sinadya ng Philippine Navy na isadsad ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal upang palakasin ang sovereignty claim ng bansa sa Spratly Islands. —sa panulat ni Lea Soriano