dzme1530.ph

Pang. Marcos at VP Sara, nananatiling mataas ang approval ratings —Publicus Asia

Patuloy na tinatamasa nina Pang. Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte ang mataas na approval mula sa maraming Pilipino, batay sa Pahayag Second Quarter Survey ng Publicus Asia.

Sa June 8 to 12 survey na nilahukan ng 1,500 voters, nakapagtala si Pangulong Marcos ng 62% approval rating, na bahagyang mas mataas sa 60% na nakuha nito noong unang quarter.

Napanatili naman ni Duterte ang 67% approval rating na kagaya ng natanggap nito sa nakalipas na quarter.

Samantala, tumaas naman ng isang puntos ang approval rating ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa 48% mula 47% habang napanatili ni House Speaker Martin Romualdez ang kanyang 42%.

Nananatili ring stable sa 38% ang approval rating ni Chief Justice Alexander Gesmundo. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author