“We are not yet done. We still have a lot to do.”
Sinang-ayunan ni Pang. Ferdinand Bongbong Marcos, Jr., ang incomplete na grado na ibinigay sa kaniya ng isang ekonomista, para sa kaniyang unang taon sa puwesto, bilang kalihim ng Dep’t of Agriculture.
Ayon sa Pangulo, marami pang kailangang gawin upang maisaayos ang sistema sa kagawaran gayung halos 40 taong napabayaan ang sektor ng agrikultura.
Ibinida naman ng pangulo ang mga pagbabagong isinasagawa ng pamahalaan para mabilis na makasabay ang ekonomiya sa iba’t-ibang bansa.
Para sa Pangulo, ibang-iba na ang imahe ng Pilipinas simula ma-upo ito sa puwesto.
Nabatid na ngayong araw ang unang taon sa puwesto ng Pangulo.