dzme1530.ph

Panawagang snap elections, walang basehan

Loading

Iginiit ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na walang konstitusyonal at legal na basehan ang panawagan para sa snap elections.

Kasunod ito ng panawagan ni Sen. Alan Peter Cayetano na magbitiw ang lahat ng mga nakaupong opisyal ng gobyerno, mula sa Kongreso hanggang Malacañang, upang mabigyang-daan ang pagdaraos ng snap elections.

Tanong ni Sotto, ano ang masasabi ng mga bagong halal na opisyal na malinis ang record sa panunungkulan sa gobyerno kung madadamay sila sa mga sangkot sa katiwalian?

Dagdag pa niyang tanong, magbibitiw ba ang mga hindi dawit sa katiwalian upang ang mga may sala ay hindi na mapanagot sa kanilang kasalanan?

Una rito, sinabi ni Cayetano na ang pagdaraos ng snap elections ay posibleng paraan para maibalik ang tiwala ng publiko sa gobyerno at sa mga institusyong politikal.

About The Author