dzme1530.ph

Pamunuan ng PNR, nagpaalala kaugnay sa biyahe mula Alabang hanggang Biñan na matatapos ngayong weekend

Muling nagpaalala ang Philippine National Railways (PNR) sa mga pasahero nito na hanggang mgayong weekend na lamang ang kanilang biyahe para sa rutang Alabang – Biñan – Alabang.

Dahil dito, hanggang alas-9:32 ng gabi ngayong araw, July 15, ang huling biyahe ng PNR mula Alabang patungong Biñan habang alas-5:24 naman ng umaga bukas, July 16, ang huling biyahe ng rutang Biñan pabalik ng Alabang.

Paliwang ng PNR, ang hakbang ay para bigyan- daan ang pagtatayo ng North South Commuter Railway project, na bahagi ng proyekto ng pamahalaan na gawing moderno ang buong 147 kilometro na railway system na tatayuan ng 35 istasyon.

Sa oras na matapos ito, magiging dalawang oras na lamang ang biyahe mula Clark sa Pampanga patungong Calamba sa Laguna at inaasahang makapagsisilbi sa 600,000 pasahero kada araw.—sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author