dzme1530.ph

Pamumuhunan ng US-based nuclear energy company, malaking tulong sa suplay ng enerhiya sa bansa

Naniniwala si Sen. Francis Tolentino na malaking tulong para sa Pilipinas kung matutuloy ang pamumuhunan sa bansa ng isang US-based nuclear energy company.

Una nang inihayag ng NuScale Power Corporation na magsagawa sila ng pag-aaral kung saan mainam na magtayo ng small nuclear reactor sa Pilipinas.

Sang-ayon si Tolentino sa pagpupursige ng administrasyon na mag-explore ng mga paraan para matugunan ang energy shortage sa Pilipinas.

Patunay aniya sa kakulangan ng suplay ang naranasang mga power outages sa Occidental Mindoro at ngayon naman sa Panay at Negros Islands.

Iginiit ng senador na ligtas na opsyon naman ang nuclear energy dahil isa ito sa mga pinakamalinis na anyo ng enerhiya.

Para rin kay Tolentino, handa na ang bansa sa ihahatid na nuclear power ng kumpanya dahil hindi naman ito kasing laki ng nuclear power plant sa Bataan.

Binigyang diin ng senador na portable, moderno, ligtas at madaling iinstall ang nuclear power technology ng US company na ito. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author