dzme1530.ph

Pamilya ng Grade 5 pupil na pumanaw sa Antipolo City, makatatanggap ng tulong pinansyal mula sa DSWD

Magbibigay ng tulong pinansyal ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamilya ng Grade 5 pupil sa Antipolo City na nagtamo ng fatal brain injury makaraang sampalin at sabunutan umano ng isang guro.

Sinabi ni DSWD Spokesperson Rommel Lopez na makatatanggap ang pamilya ng mag-aaral ng “minimum” na P10,000 na financial assistance para sa medical bills at funeral expenses.

Idinagdag ni Lopez na makikipag-ugnayan sila sa mga otoridad at concerned agency upang matiyak ang kapakanan ng naulilang pamilya.

Sa salaysay ng ina ng biktima, Sept. 20 nang hatakin umano ng hindi pinangalanang guro ang kuwelyo ng kanyang anak na lalaki at sinabunutan ito saka sinampal.

Pagkatapos aniya ng insidente ay nakaramdam ang bata ng pagkahilo, pananakit ng ulo at pagsusuka hanggang sa dalhin nila ito sa ospital noong Sept. 26 subalit na-comatose at tuluyang binawian ng buhay noong Lunes. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author