dzme1530.ph

Pamemeke ng “accomplishment report ” sa mga pulis, iimbestigahan ng PNP

Nakikipag-ugnayan na ang liderato ng Philippine National Police (PNP) sa National Police Commission (NAPOLCOM) para alamin kung may katotohanan na pinepeke umano ng ilang pulis ang kanilang accomplishment para ma-promote sa pwesto.

Ginawa ni PNP Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. ang pahayag, kasunod ng nabunyag sa pagdinig ng Kamara kamakailan.

Matatandaang, inihayag ni Surigao del Norte 2nd District Representative Robert Ace Barbers at ng NAPOLCOM, na depektibo ang promotion system ng PNP gayundin ang performance rating ng mga anti-drug Police operatives.

Paliwanag ni Acorda, regular naman ang ginagawa nilang review sa promotion ng mga pulis upang matiyak na tanging ang mga kwalipikado lang ang aangat sa pwesto. —ulat mula kay Jay de Castro, DZME News

About The Author