Naniniwala si Mayor Cezanne Fritz Diaz, ng Siaton, Negros Oriental na organisadong grupo at hindi isang tao lamang ang nasa likod ng pag-patay kay Gov. Roel Degamo.
Ayon kay Mayor Diaz na pamangkin ni Gov. Degamo, ang grupong ito ay sangkot sa iligal na gawain, at may listahan ng mga taong kanilang papatayin kabilang ang kanyang pangalan.
Hindi naman tinukoy ni Diaz ang mga pangalan subalit tiyak ito na sila ang nagplano ng pagpatay sa kanyang tiyuhin kung saan walong iba pa ang nadamay sa pamamaril.
Marso 4 nang pagbabarin si Degamo sa mismong compound ng bahay nito habang kausap ang mga benepisyaryo ng 4Ps.
Nasa Siaton na ngayon ang mga bangkay ni Degamo para sa public viewing bago ito ihatid sa kanyang huling hantungan sa araw ng Huwebes, Marso a-desisais.
Samantala, apat pang suspect sa pagpatay kay Degamo ang hawak na ngayon ng otoridad, habang ang ikalimang hinihinalang salarin ay napatay sa isang ingkwentro habang isinasagawa ang hot pursuit operations.