dzme1530.ph

Pamahalaan, mangungutang sa ADB para sa Bataan-Cavite Interlink project

Plano ng pamahalaan na mangutang sa Asian Development Bank (ADB) para sa P175-B Bataan-Cavite Interlink Bridge.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), katatapos lamang ng kanilang two-week discussion sa Fact Finding Mission ng ADB na ang layunin ay maaprubahan ang loan para sa proyekto sa Nobyembre.

Sinabi ng DPWH na sumentro ang diskusyon sa pag-assess sa kahandaan ng buong proyekto bago ihanda ang loan agreement para sa 32-kilometer Bataan-Cavite bridge project.

Una nang inihayag ng ADB na target nitong aprubahan ang loan para sa naturang proyekto ngayong ikatlong quarter ng 2023.

About The Author