dzme1530.ph

Pamahalaan, bumuo ng task force para makontrol ang outbreak sa Animal diseases

Pinakinggan ng Department of Agriculture ang hiling ng stakeholders na bumuo ng task force upang makontrol ang pagkalat ng mga sakit sa mga hayop, gaya ng African Swine Fever at Bird flu.

Sa pamamagitan ng special order ay bumuo ang D.A. ng Special Task Force on Animal Health na responsable upang mapigilan at makontrol ang pagsulpot ng transboundary diseases.

Inatasan ang grupo na makipag-coordinate sa Department of the Interior and Local Government para bumalangkas ng mga kinakailangang solusyon na tutugma sa mga panuntunan ng national at local government units.

Makikipag-collaborate ito sa Department of Health, Department of Environment and Natural Resources, Department of Trade and Industry, DILG, at PNP, para bumuo ng Inter-Agency Task Force para sa Detection, Monitoring, Surveillance, Prevention and Control ng animal diseases. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author