Bumagsak ang piso ng Pilipinas sa pinakamababa nitong halaga sa nakalipas na apat na buwan.
Kahapon, nagsara ang peso-dollar exchange rate sa ₱56.21 kada dolyar, na mas mababa sa ₱56.40 noong Martes.
Ayon kay Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) chief economist Michael Ricafort, ang paghina ng piso ay dahil sa upward correction ng US dollar laban sa iba pang pananalapi.
Inaasahan din aniyang magdulot ito ng mas mataas na presyo at gastusin para sa mga inaangkat na produkto ng bansa at pangkalahatang inflation.
Ito na ang pinaka-mahinang performance ng piso mula magsara ang palitan sa ₱56.22 kontra dolyar noong Dec 1, 2022.