dzme1530.ph

Palawan, Visayas at Mindanao, patuloy na uulanin

Patuloy na makararanas ng maulap na kalangitan, na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang Palawan, buong Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao at Caraga, dahil pa rin sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ), ayon sa PAGASA.

Asahan naman ang mainit at maalinsangang panahon ngayong umaga hanggang tanghali, habang mataas ang tiyansa ng biglaang pagbuhos ng ulan sa hapon o sa gabi, sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, dala ng Localized Thunderstorms.

Sa kasalukuyan, ayon pa sa PAGASA, wala pa ring banta ng Low Pressure Area (LPA) sa loob at labas ng bansa.

About The Author