Pumanaw na si 3rd District Palawan Representative at dating Puerto Princesa Mayor Edward Hagedorn sa edad na 76.
Ito ang kinumpirma sa official Facebook account ng kongresista ngayong Martes ng umaga.
Hindi naman sinabi ng pamilya Hagedorn ang sanhi ng pagpanaw ng mambabatas ngunit tiniyak nito na agad nilang ipapaalam sa publiko ang detalye ng kanyang burol.
Sa ngayon, humihiling ng panalangin ang maybahay at mga anak ni Hagedorn dahil sa nakakalungkot na pangyayari.
Nakatakda sanang magdaos ng ika-77 na kaarawan si Hagedorn sa darating na 12 ng Oktubre.
Nabatid na nagsilbi si Hagedorn bilang alkalde ng Puerto Princesa City simula June 30, 1992 hanggang June 30, 2001 at muling nanalo sa kaparehong posisyon noong November 12, 2002 hanggang June 30, 2013.
Hunyo 30, 2022 nang maitalaga naman si Hagedorn bilang 3rd district representative ng lalawigan ng Palawan. —sa panulat ni Jam Tarrayo