dzme1530.ph

Palasyo at Kongreso, pinagko-komento ng Korte Suprema kaugnay ng petisyon laban sa Maharlika Fund

Inatasan ng Korte Suprema ang malakanyang at Kongreso na magkomento sa petisyon na kumukwestiyon sa ligalidad ng Maharlika Investment Fund (MIF) Act of 2023.

Hinihingan ng komento ng Supreme Court sina Executive Secretary Lucas Bersamin, Finance Secretary Benjamin Diokno, maging ang Senado at Kamara.

Binigyan sila ng sampung araw para magsumite ng kanilang komento sa petisyon laban sa Sovereign Wealth Fund.

Inaasahan din ang komento ng mga respondent sa hiling ng petitioners sa kataas-taasang hukuman na mag-isyu ng temporary restraining order laban sa MIF.

September 18 nang kwestiyunin nina Bayan Muna chairman Neri Colmenares, dating Bayan Muna representatives Isagani Zarate at Ferdinand Gaite, at Senate Minority leader Koko Pimentel, ang constitutionality ng bagong batas. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author