Tatlong taon, matapos tumama ang COVID-19 pandemic sa Pilipinas, nagpatuloy ang Palarong Pambansa, subalit inulan ang opening ceremony nito bunsod ng bagyong Falcon at Habagat.
Sa kabila ng masamang panahon, kahapon, sinabi ni Education Assistant Secretary at Palarong Pambansa 2023 Secretary General Francis Cesar Bringas na walang kinanselang laro.
Naisagawa pa rin aniya ang tournaments para sa tennis, high jump, at pole vault.
Ayon kay Bringas, 11k katao mula sa iba’t ibang delegasyon, kabilang ang nasa 7,200 atleta, coaches, assistant coaches, at trainers ang nakikibahagi sa palaro ngayong taon. —sa panulat ni Lea Soriano