Maglalagak ang Philippine Airlines (PAL) ng $3.2 billion o P176.6 billion para sa kanilang fleet expansion initiative.
Sa statement, inihayag ng pal na ang $3.2-billion fleet investment ay inilaan para sa pagbili ng siyam na Airbus A350-1000 long-range jetliners.
Sinabi ng flag carrier na ang halaga ay batay sa list price na $366.5 million per aircraft.
Idinagdag ng PAL na dadagdagan din nila ang kanilang Customer Care at Contact Center Agents, at magro-rollout ng bagong Customer Relations Management System ngayong 2023 upang makapagbigay ng mas personalized self-service options para sa mga customer. —sa panulat ni Lea Soriano