dzme1530.ph

Pagtuturok ng bivalent vaccines para sa senior citizens, uumpisahan na sa 44 health centers

Sisimulan na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang pagtuturok ng bivalent vacciens sa mga senior citizens.

Sa abiso ng lokal na pamahalaan ng Maynila, maaari ng sumalang ang nasabing priority groups kung sila ay nakapag-pabakuna na ng 2nd booster sa nakalipas na apat hanggang anim na buwan.

Isasagawa ang pagbabakuna sa 44 na health centers sa buong lungsod.

Kinakailangan lamang na dalhin ang mga vaccination card habang ang iba naman ay hinihimok na magpa-rehistro via online.

Patuloy na nananawagan ang Manila LGU sa iba naman health workers na sumalang na sa pagbabakuna ng bivalent vaccine lalo na’t hindi pa rin nila naaabot ang target na bilang ng mga naturukan nito. —ulat mula kay Felix Laban, DZME News

About The Author