dzme1530.ph

Pagtutulungan ng Pilipinas at Indonesia sa pagtugon sa mga hamon sa rehiyon, isinulong ng Pangulo

Isinulong ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtutulungan ng Pilipinas at Indonesia sa mga kinahaharap na hamon sa rehiyon.

Sa bilateral meeting sa Palasyo kasama si Indonesian President Joko Widodo, inihayag ng pangulo na bilang like-minded developing nations, kapwa hinahangad ng dalawang bansa ang kaayusan at kasaganahan sa ASEAN.

Kaugnay dito, bilang magkapitbahay na bansa ay dapat umanong patuloy na magkaisa ang Pilipinas at Indonesia sa pagtugon sa regional challenges.

Sinabi rin ni Marcos na ang magkahawig na geography, kasaysayan, at kultura ng dalawang bansa ang nagbigay-daan sa paglalim pa ng ugnayan sa depensa, seguridad, at maritime operations.

Walang binanggit na ispesipikong regional issue ang Pangulo ngunit mababatid na ang Pilipinas at Indonesia ay kapwa may sigalot sa teritoryo sa China. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author