Muling iginiit ni Sen. Christopher “Bong” Go ang pangangailangan ng pagtatayo ng Department of Disaster Resilience kasunod ng malakas na lindol sa Cebu.
Ginawa ni Go ang pahayag sa kanyang pagdalaw sa mga nabiktima ng lindol sa Bogo City, gayundin sa mga bayan ng San Remigio at Medellin.
Iginiit ng senador na panahon nang isabatas ang kanyang Senate Bill 173 na nagsusulong ng pagtatatag ng Department of Disaster Resilience, isang ahensya na tututok sa disaster preparedness, response, at recovery efforts.
Kasabay nito, nanawagan si Go sa Department of Health na patuloy na mag-deploy ng mga frontliner at tulungan ang mga nasaktan.
Binigyang-diin din ng senador ang pangangailangan ng pagtutulungan ng lahat ng ahensya ng pamahalaan upang agad na maibalik sa normal ang pamumuhay ng mga residenteng naapektuhan ng kalamidad.