Kumpiyansa si Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito na ang pagbuo ng Department of Water Resources Management ang isa sa mga paraan upang maiwasan ang katiwalian sa flood control at iba pang water projects.
Bukod dito, sinabi ni Ejercito na sa pamamagitan ng isang departamento na mangangasiwa sa lahat ng water-related functions ng pamahalaan, ay mapapalakas ang pagtugon ng bansa sa pagbaha at kakulangan ng malinis na tubig.
Iginiit ng senador na panahon nang isailalim sa iisang ahensya ang water management, flood control, at dam operations upang matiyak ang malinaw na direksyon para sa long-term planning at epektibong paggamit ng mga resources.
Sinabi ni Ejercito na sa pagkakaalam nito, ay kabilang ang panukala sa mga nais iprayoridad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.