Hihilingin ng Senate Committee on Environment, Natural Resources and Climate Change kay Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magtalaga ng opisyal na mangangasiwa sa operasyon sa oil spill sa Oriental Mindoro.
Ayon kay Senator Cynthia Villar, Chairperson ng komite, susulat sila kay Pangulong Bongbong Marcos bilang pagtugon sa sinabi ni Senator Loren Legarda na makabubuting may isang opisyal na mangangasiwa sa operasyon.
Nagmungkahi naman si Villar, na pwedeng italaga si Department of National Defense OIC Carlito Galvez Jr. na pinuno ng operasyon.
Dagdag pa ni Villar na maging si Oriental Mindoro Gov. Humerlito Dolor ay naguguluhan na at nais nito na may isang taong mangangasiwa sa oil spill na malaking dagok sa kalikasan at sa mamamayan.