dzme1530.ph

Pagtatalaga kay VP Sara Duterte sa NTF-ELCAC, malaking tulong sa education sector —Sen. Dela Rosa

Naniniwala si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na malaking tulong sa education sector ang pagtatalaga kay Vice President Sara Duterte-Carpio bilang co-chairperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC)

Ipinaliwanag ni Dela Rosa na karamihan ng kabataan ay  nare-recruit para sa makakaliwang grupo sa senior high school na nasa ilalim naman ng ahensyang pinamumunuan din ni VP Sara na Department of Education.

Dahil dito anya matututukan ng Bise Presidente ang pagpapatupad ng mga programa upang mapigilan ang recruitment ng mga makakaliwang grupo sa senior high school.

Inilarawan pa ni dela Rosa si VP Sara bilang malaking karagdagan sa kapabilidad ng NTF-ELCAC.

Pinawi rin ng senador ang pangamba na posibleng mapabayaan ng Bise Presidente ang tungkulin niya sa DepEd o iba pang posisyong kanyang hinahawakan dahil very hard working anya ang opisyal.

Tiniyak din ng mambabatas na handa siyang ibigay sa Pangalawang Pangulo ang anumang tulong na kailangan nito sa kanyang mandato sa NTF-ELCAC. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author