Pinuri ni Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas ang pagtapyas ng Kamara sa confidential funds ng ilang ahensya ng pamahalaan para sa susunod na taon.
Ayon kay Brosas, isa itong malaking tagumpay para sa mamamayang Pilipino na nananawagan ng transparency at accountability sa gastos ng gobyerno.
Ikinalugod din ni Brosas ang pagtupad ng house leadership sa pangako nito na mapunta o ma-reallocate ang pondo sa mga ahensya na pumo-protekta sa seguridad ng West Philippine Sea.
Kahapon, ika-11 sa buwan ng Oktubre nang tanggalin ng mababang kapulungan ng kongreso ang kabuuang 1.23 billion confidential funds ng limang ahensya ng gobyerno, kabilang ang Office of the Vice President, Dept. of Education, Dept. of Agriculture, Dept. of Information and Communications Technology, at Dept. of Foreign Affairs. —sa panulat ni Airiam Sancho