Muling ipinatutupad ng pamunuan ng Office for transportation security (OTS) ang pagtatanggal ng sapatos ng mga pasahero sa final Security checkpoint sa mga Paliparan sa bansa.
Ito ang kinumpirma ng OTS kasunod ng dumaraming katanungan ng publiko partikular ang mga pasahero sa NAIA sa naturang patakaran.
Binigyan diin ng OTS na matagal na itong pinaiiral at nitong Lunes ay hinigpitan nila ang implementasyon.
Layon anya nito na matiyak ang seguridad sa mga Paliparan sa bansa at hindi malulusutan ng mga terorismo.
Nagpapakabit na din umano sila ng mga signages sa kanilang mga checkpoint area sa paliparan para malaman ng mga pasahero.
Nagbigay na rin umano sila ng direktiba sa kanilang screening supervisors’ para matiyak na naipapatupad ang naturang polisiya.
Samantala, sinabi naman ng pamunuaan ng MIAA na wala pa silang nakuhang kopya kaugnay ng pinakakalat na derktiba ng ots sa kanilang mga tauhan sa NAIA. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News