Ipauubaya ng liderato ng Senado kay Senate Subcommittee on Constitutional Amendments Chairman Sonny Angara ang haba o tagal ng pagtalakay sa Resolution of Both Houses no. 6 kaugnay sa pagbabago sa ilang economic provisions ng konstitusyon.
Sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri na hindi sila magpapatrap sa ikinakasang deadline ng ilan para sa pagrebisa sa economic provisions dahil nangangailangan anya ito ng komprehensibong pag-aaral.
Iginiit ni Zubiri na hindi kailangang madaliin ang pagtalakay sa resolusyon at kung kinakailangan pang ipatawag ang iba’t ibang sektor na apektado sa ipinapanukalang pagbabago at hindi lamang limitado sa mga legal luminaries.
Sa panig naman ni Angara kung magtatakda man siya ng deadline ito ay bago ang filing ng certificate of candidacy para sa 2025 Midterm Elections sa October.
Ito anya ay upang maisabay sa halalan ang plebesito para sa pagbabago ng konstitusyon upang hindi na magkaroon ng hiwalay na gastusin. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News