dzme1530.ph

Pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, dapat sabayan ng dagdag na sahod  —Sen. Revilla

Dapat tugunan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ng umento sa sweldo ng ating mga manggagawa.

Ito ang binigyang-diin ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr. sa pagsuporta sa pagsusulong ng P100 legislated wage hike bill sa Senado.

Ikinatuwa ni Revilla na sa wakas ay matatalakay na ng mga mambabatas ang panukalang legislated wage hike na halos dalawang dekada na rin niyang ipinaglalaban.

Simula nooong 2008, sinabi ni Revilla ay paulit-ulit na niyang inihahain ang panukala para sa P150 across the board wage increase bill.

Sinabi ni Revilla na adbokasiya na niya ang pagsasabatas ng dagdag sahod at ngayon ay mas mataas ang kanyang kumpyansa na maipapasa na ito para na rin sa kapakanan ng mga manggagawa. —ulat mula kay Dang Garcia, DZME News

About The Author