dzme1530.ph

Pagtaas ng presyo ng bigas, ‘di dahil may manipulasyon —DA

Kumbinsido si D.A Usec. Leocadio Sebastian na hindi manipulasyon ang dahilan nang pagtaas ng presyo ng bigas sa bansa.

Ayon kay Sebastian, mayroon at mayroong mga price adjustment sa bigas sa merkado dahil sa may kataasan aniya ang presyo ng bigas sa pandaigdigang pamilihan, na sinabayan pa ng malaking gastusin sa inputs sa local production.

Ayon pa sa D.A. official, mahirap magkaroon ng manipulasyon sa laki ang industriya ng bigas at maraming nagkukumpitensiya.

Ibinabalanse lamang ang presyo ng imported na bigas sa lokal kung kaya’t tumataas ang presyo nito.

Asahan din ani Sebastian na magpapatuloy ang ganitong sitwasyon hanggang sa katapusan ng taon.

About The Author