dzme1530.ph

Pagsusuot ng skinny jeans, may masamang epekto sa kalusugan

Ang palagiang pagsusuot ng hapit na pantalon o skinny jeans ay may masamang epekto sa kalusugan.

Sa inilathala ng Journal of Neurology, Neurosurgery & Psychiatry, ipinaaala na posibleng maging sanhi ng pagkakaroon ng Compartment Syndrome ang pagsusuot ng tight pants.

Ayon sa mga eksperto, ang masikip na pantalon ay maaaring makasira sa mga muscle, nerves at blood vessels sa binti ng isang tao.

Nagdudulot ito ng pananakit at pamamaga ng binti dahilan upang mahirapan lumakad.

Dahil sa masikip ang parte ng baywang, posibleng magkaroon din ng digestive issue at makaramdam ng heartburn.

Ipinapayo naman ng mga eksperto na magsuot lamang ng tamang luwag ng pantalon para sa maayos na pagkilos. —sa panulat ni Airiam Sancho

About The Author