dzme1530.ph

Pagsusuot ng Immigration personnel ng body cameras, target sa katapusan ng 2023

Target ng Bureau of Immigration na suotan ng body cameras ang kanilang personnel pagsapit ng katapusan ng taon upang matiyak ang accountability at transparency sa airports.

Sinabi ni B.I. Spokesperson Dana Sandoval na gaya sa ibang bansa, ang mga law enforcers ay may suot na body cameras kung saan nire-record ang kanilang buong duty.

Ipinaliwanag ni Sandoval na ang body cameras ay mayroong “live streaming feature” para ma-monitor ng ahensya ang kanilang mga tauhan na nasa ground.

Idinagdag ng Immigration official na nasa proseso sila ng pagbili ng naturang devices. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author